Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area sa Barangay Maharlika, Taguig City nitong Sabado ng hapon.

Nabatid na nasa likuran lamang ng isang mosque ang naturang insidente.

Sa kasalukuyan ay hindi pa batid kung saan nagsimula ang pagkalat ng apoy.

Habang inaalam na kung may mga nasugatan mula sa panig ng mga residente.