Reading Time: 1 minute
Warner Bro Studio
Warner Bro Studio

Umabot sa 12 oras bago tuluyang naapula ng mga bombero ang naganap na sunog sa Warner Bro. Studio sa Leavesden sa Hertfordshire sa United Kingdom.

Ang nasabing studio ay doon ginawa ang walong Harry Potter movies.

Gumamit pa ng tatlong eroplano bukod pa sa 18 fire trucks para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Ilan sa mga pelikula na gumamit ng nasabing studio ay ang “The Dark Knight” , “Spider-Man” at Bourne franchises.

Nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.