Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pagpatay sa miyembro ng Philippine Army sa isang hotel sa bahagi ng Catbalogan, Samar.

Una nang kinilala ang biktima na si PFC Carmelo Batocoy Jr., 31-anyos na kasalukuyang nakadestino sa 8th Infantry Division bilang banda.

Batay sa report ng Samar Police Provincial Office, nag-check in sa naturang hotel ang nasabing sundalo kasama ang kaniyang live-in partner nang biglang magkaroon ang mga ito ng komosyon.

Nagtalo raw ang dalawa dahil gusto pa umano ng “third round” ng biktima ngunit tinanggihan na ng kanyang kinakasama.

Dahil sa galit ay inilabas ng sundalo ang kaniyang baril na nauwi sa agawan ng mga ito hanggang sa maputukan si PFC Batocoy.

Tama sa bandang baba ang ikinasawi ng biktima.