CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong double murder at multiple frustrated murder sa piskalya ng Lanao del Sur ang isang sundalo na namaril sa kanyang mga kasamahan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sundalo at sugatan naman ang limang iba pa.

Ito ay matapos sumuko sa mga kamay ng otoridad si Army Cpl Nao Mohamad Lassam pagkalipas ng ilang linggo ng pagtatago sa batas sa Tagum City.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj Arvin Encinas, maliban sa kasong kriminal, sasampahan din kasong administratibo si Lassam.

Hindi na inihayag ni Encinas ang dahilan kung bakit pinagbabaril ng suspect ang mga kapwa niya sundalo.