Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Patay sa pamamaril ang dating tumatakbong alkalde sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Edgar Lucero, 53, may asawa at residente ng Brgy Namnama, Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo angkas ang kanyang dalawang anak sa national highway ng Brgy Didtaras sa bayan ng Lambayong nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Patay on the spot si Lucero nang magtamo ng tama ng bala sa ulo, mukha at dibdib.

Ligtas naman ang dalawang anak nito ngunit nagtamo ng pasa sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan nang matumba ang motorsiklo.

Sinabi ng kanyang pamilya na si Lucero ay nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay sa nakalipas na mga buwan ngunit hindi pinansin ang mga ito dahil wala siyang alam na mga kaaway.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa nangyaring pagpaslang sa biktima.