Kapwa nanggagalaiti sa galit sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos kumalat ang isang pekeng litrato kung saan makikita silang magkatabi na hubo’t-hubad.

Sue and Maris

Kaagad ni-repost ni Sue ang original photo kung saan sila ay naka-two piece bikini ni Maris sabay apela sa publiko na huwag nang sumawsaw sa fake news.

Sa edited version, pareho lang din ang kanilang posing ngunit kita na ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM,” bahagi ng pag-alma ni Ramirez.

Nabatid na pinalampas ng 24-year-old actress ang usap-usapang mistress daw siya ni Ian Veneracion, pero hindi na kayang manahimik kung katawan na ng pagkababae ang nababoy.

Sa panig naman ng kaibigan nitong 23-year-old singer/actress, naway magbago na ang mga manyak ngayong 2021 na.

Si Sue ay girlfriend ng baguhang aktor na si Javi Benitez, anak ng dating kongresista na si Albee Benitez.