Bb Pilipinas Gazini Ganados
Bb. PIlipinas/ Twitter post

BAGUIO CITY – Nagdiriwang ang pamilya at mga kaibigan ng 23-year-old beauty queen na si Gazini Christiana Ganados sa pagkakapanalo nito bilang Miss Universe Philippines sa katatapos na Binibing Pilipinas pageant nitong Linggo ng gabi.

Kabilang rin sa mga nagbubunyi ay ang team ng Cebuana beauty.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa creative stylist ni Ganados na si EJ Mondia, masayang-masaya sila ng matawag ang pangalan ng kanilang alaga dahil alam nilang marami itong pinagdaanan sa kompetisyon.

“Actually, napaka-surreal ng experience. ‘Yung feeling na all of the challenges within the journey, during Binibini, tapos nung tinawag yung name niya kahapon, parang nawala lahat ng pagod”, anya ni Mondia.

Nagbahagi rin ito ng ilang mga katangian ng beauty queen na hindi pa alam ng marami.

“Gazini is a very nice person. Maka-masa si Gazini na tao. Malalapit siya sa mga elderly. Yung humility niya and resilience, kudos to her. Siguro what people could expect from Gazini is that, she does her very best, kung ano man ang challenges na paparating, I know that she will do her best. I believe na marami pang ipapakita si Gazini more than sa mga nakita pa lang niya ngayon.”

Naniniwala rin ang stylist na hindi imposibleng makuha ng Pilipinas ang back-to-back win sa Miss Universe pageant.

“Suportahan lang natin si Gazini. Wag tayong mawalan ng pag-asa na makuha natin yung back-to-back, kasi si Gazini, napaka hardworking niya na babae. Passionate siya sa ginagawa niya at alam niya yung cause niya as a beauty queen. Hindi lang siya beauty queen. She can touch each of us sa mga bagay na ginagawa niya. Yun yung power ni Gazini. For the people na magsusupport pa lang kay Gazini, I can attest si Gazini, hindi lang siya beauty queen material. Isa siyang UN Ambassador for me. She can speak. She is very eloquent. Most of all, Gazini is a very loving daughter to her mother.”

Aabangan ang newly-crowned queen na si Gazini Ganados sa 68th Miss Universe pageant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here