strawberries benguet bagui la trinidad

BAGUIO CITY – Kinilalang pinakamalalaking “tourist come-ons” ng lalawigan ng Benguet ang mga strawberries sa La Trinidad, ang mga flower farms sa Atok at ang scenic Mount Pulag sa Kabayan.

Ayon kay Provincial Tourism Operations Officer Eleazar Carias, ang mga bayan ng La Trinidad, Atok at Kabayan ang nakapagtala ng pagtaas ng tourist arrivals noong nakaraang taon.

Aniya, nananatiling “must see” sa mga turista ang sikat na strawberry field sa La Trinidad kung saan may pagkakataon ang mga turistang maranasan ang first-hand strawberry picking.

Patuloy din aniya ang pagdagsa ng mga turista sa Atok dahil sa mga flower plantations doon gaya ng Northern Blossoms Flower Farm, Haight’s Place at ang Sakura Park kung saan pwedeng mag-photoshoot.

Nananatili din aniyang paborito ng mga adventurers ang Mount Pulag na ikalawang highest peak sa Luzon.

-- Advertisement --

Binahagi pa ni Carias na ang Top 10 foreign visitors ng Benguet ay mula sa Malaysia, South Korea at Singapore, France, USA, UK, Australia, Germany, Japan, Netherlands at China.

Dinagdag pa nito na patuloy ang pagdami ng mga tourist destinations sa Benguet kung saan isa ang tourism industry sa nagpapalakas sa local economy ng lalawigan.