StarWars
Disneyland

Maraming mga Star Wars fans ang pumila sa labas ng Disneyland sa Anahiem, California matapos ang soft-opening ng StarWars theme park.

Ang $1 billion theme park na tinawag na “Star Wars: Galaxy’s Edge” ay binuksan sa ilang piling bisita na nagpareserba ng tickets para masaksihan ang ipinagmamalaki nilang theme park.

Mananatili lamang ang mga ito sa loob ng apat na oras bago ang pormal na pagbubukas nito sa mga susunod na araw.

Makikita rito ang ilang mga rides na Millennium Falcon, at ilang mga sikat na characters nito gaya ng Stormtroopers, Chewbacca and Rey at ilang mga bayani sa futuristic land ng Batuu.

Magbubukas din sa buwan ng Agosto ang parehas din na Star Wars theme park sa Disneyland Florida.