Masayang ibinalita ni Presidential Spokeman Harry Roque na negatibo ang resulta ng kanyang RT-PCR Test kahapon sa Taguig City.
Magugunitang nakasama ni Sec. Roque sa isang okasyon si Public Works Sec. Mark Villar na positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Sec. Roque, patuloy pa rin itong mag-iingat at katunayan, sasailalim pa rin siya sa rapid test bago ang meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sec. Roque, bilang bahagi ng precautionary measure, pupuwesto siya sa pinakadulo ng kuwarto at magsusuot ng mask, didistansya sa iba at palagiang maghugas o mag-sanitize ng kamay.
Nakasama ni Sec. Roque si Sec. Villar sa isinagawang contract signing at ground breaking ceremony ng CAVITEX Segment 2 and 3A noong July 11, araw ng Biyernes at kanina nag-anunsyo ang public works secretary na positibo siya sa COVID-19 test.
“I am pleased to announce that the results of my RT-PCR Test conducted yesterday in Taguig City yielded a negative result. Be that as it may, I will exercise prudence and will still subject myself to a rapid test upon entry prior to the meeting today with President Rodrigo Roa Duterte. As a precautionary measure, I will stay at farthest end of the room and will apply the health protocol of wearing a mask, keeping distance and sanitizing and washing of my hands.