Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Muling nanawagan ang isang marine biologist sa mga tao na iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa dagat.

plastic sperm whale davao
Plastic and marine trash that was found in the intestines of a dead sperm whale that was washed ashore in Davao City. Photo courtesy of Darrell Blatchley

Ito ay matapos na mapadpad sa coastal road ng Matina Aplaya, Davao City ang isang walang buhay na sperm whale.

Sa imbestigasyon na pinangunahan ng environmentalist na si Darell Blatchley, narekober sa tiyan ng sperm whale ang iba’t ibang mga basura maliban sa kagat ng pating sa katawan nito.

Ayon pa kay Blatchley, nasa mahigit 60 na mga namatay na balyena ang napadpad sa lungsod kung saan higit 50 sa nasabing bilang ay kagagawan umano ng mga tao.

Ito na umano ang ikalimang patay na cetaceans o uri ng aquatic animals na kanilang natagpuan sa baybayin ng kapuluan ngayong taon.