-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawa katao ang tinukoy ng mga otoridad na suspek sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato City police Director Colonel Rommel Javier ngunit ayaw pa nilang isa-publiko ang pagkakilanlan ng mga suspek dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Binuo na rin ang PNP-Special Investigation Task Force na syang tututok sa malalimang imbestigasyon sa pambobomba.

Matataan na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa dating himpilan ng Police Station 2 sa Jose Lim Sr. St., Mother Barangay Bagua ng siyudad noong Huwebes Santo alas-6:10 ng gabi kung saan dalawa pang bomba ang natagpuan.

Nasawi sa pagsabog si Azmad Cader, habang sugatan naman sina Marguianan Kalim at Yusoph Talusan Kalim.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Cotabato City.