Mas makakabuti kung hindi mangialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership race at igalang din ang independence ng kapulungan ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez.

Sa isang panayam, sinabi ni Suarez na marapat lamang na maging independent sila bilang demokrasya naman ang umiiral sa bansa.

Bagamat kinilala ng outgoing Quezon 3rd District representative na maaring nais lamang ni Pangulong Duterte na masiguro ang pagkakapasa ng kanyang ligslative agenda sa pamamagitan nang pagbili ng kanyang manok para sa Speakership post, sinabi ni Suarez na mas makakabuti kung hindi na lamang ito mangialam sa mga kaganapan sa Kamara.

Ito ay para mabigyan din aniya ng option ang mga kongresista na makapagdesisyon sa kung sino ang kanilang bobotohin.

Una rito, hinimok ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga kongresista kahaponpara hintayin ang pipiliin ni Pangulong Duterte sa speakership race.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here