Reading Time: 1 minute
Congresswoman Albano
Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano

Malamig ang pagtanggap ng Duterte Coalition sa naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na iendorso si Taguig City Rep. Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker sa 18th Congress.

Sinabi ni Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano na wala pa silang mailalabas na opisyal na pahayag ukol dito.

Maari din aniya na hindi muna sila maglalabas ng statement hinggil sa naging pasya ng Pangulo sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ng Punong Ehekutibo na iniendorso niya si Cayetano bilang lider ng Kamara pero term sharing sila ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Ang napiling “manok” naman ng Duterte Coalition para maging House Speaker ay si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab.