-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na mananagot ang mga nasa likod sa mga iligal na operasyon ng POGO sa bansa.

Kahapon nagsagawa ng inspeksyon si Speaker Romualdez sa mga POGO hubs na pinapatakbo ng Lucky South 99 Inc. sa Porac, Pampanga.

Kasama ni Speaker Romualdez at iba pang mga kongresista at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission sa isinagawang ocular inspection.

Tinungo din ng House delegation ang POGO sa Bamban, Tarlac na ino-operate ng Zun Yuan Ti at maging ang warehouse ng Empire 999 Realty Corporation sa Mexico, Pampanga kung saan nasabat ang nasa P3.6-Billion halaga ng iligal na droga.

Nabatid sa joint inquiry ng House Committees on Public Order and Safety at Games and Amusements ang complex network ng Chinese nationals kabilang ang negosyante at dating Presidential adviser Michael Yang na umanoy involved sa iligal na operasyon ng POGO at drug trafficking.

Sinabi ni Speaker na nuong nakaraang administrasyon talagang lumago ang industriya ng POGO.

Ayon kay Speaker kanila lamang ipinapatupad ang kanilang oversight function dahil ang kanilang isinasagawang imbestigasyon ay in aid of legislation.

Binigyang-diin ni Romualdez mahalaga ang isinagawang ocular inspection sa mga POGO hubs para sa pagsasagawa ng panukalang batas.

Iginiit din ng house leader ang kahalagahan na magkaroon ng coordinated approach sa ibat ibang house committees at ahensiya ng gobyerno.