-- Advertisements --

Pinuri ng liderato ng Kamara ang Philippine National Police at Department of Interior and Local Government matapos sumuko ang umanoy bumaril at nakapatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, umaasa ang Kamara na ang pagsuko ng gunman ang magbibigay daan para sa ikakaaresto ng iba pang mga suspect at utak sa pagpatay kay Lapid.

Muling inulit ni Romualdez na mahalaga ang papel na ginagampanan ng media at tungkulin ng gobyerno na proteksiyunan ang kanilang seguridad.

” We in the House of Representatives welcome this positive development in the unfortunate crime that took the life of Percy Lapid. We applaud the efforts of SILG Abalos and the police to swiftly resolve the case,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Matatandaan, matapos mapatay si Lapid, nakalikom ang Kamara ng 5-million pesos bilang reward sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.

Ang 5-million peso reward ay mula sa ambag ng ibat-ibang Kongresista na hangad din na maresolba agad ang kaso ng pagpatay.

” The protection of members of the Fourth Estate is of paramount importance as they play vital role in nation-building,” dagdag pa ni Romualdez.