-- Advertisements --

ILOILO CITY-Nasa kritikal ngayon na kondisyon ang isang Spanish man matapos masunog sa wildifre ang kanyang damit nang magtangkang sagipin ang kanyang nasusunog na bayan sa Tabara, Spain bunsod ng heatwave.

Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Edzel Lamparero Lopez, ang biktima ay sumulong sa lumalagablab na apoy sakay ng digger upang tabunan ng lupa ang nasusunog na bayan.

Si Arjona, 50, na may -ari ng construction equipment firm ay nagtamo ng lapnos sa kanyang katawan at binigyan ng emergency first aid bago ni-airlift at dinala sa bahay-pagamutan.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang Regional Fire fighting service sa Madrid, Spain na tumawag sa kanila kapag may nakitang usok at iwasan ang pagsuong sa apoy.