Pinag-iisipan na ng Spanish government ang de-escalation nang ipinatupad na lockdown para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus pandemic sa bansa.
Nakiusap na umano si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa Parliament na aprubahan ang kaniyang kahilingan na i-extend hanggang April 26 ang deklarasyon ng state of emergency.
Gayunpaman, nagbabala ito na paunti-unti lamang ang mararanasang pagbalik sa normal ng kaniyang nasasakupan dahil na rin sa matinding epekto ng COVID-19.
“The climb has been difficult, as the descent will also be. We are facing the biggest threat to the planet’s public health since the flu of 1918,” wika ni Sanchez.
Nanawagan din si Sanchez sa Members of the Parliament na magkaisa at itaguyod ang maayos na tugon ng Europa sa krisis.
“The European Union is in danger if there is no solidarity against the virus,” ani Sanchez.
Ikalawa ang Spain sa mga bansang pinaka-apektado ng coronavirus pandemic. Umabot na ng 150,000 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa habang pumalo na sa 14,792 ang namatay.