Pinalawig pa ni Spain Prime Minister Pedro Sanchez sa huling pagkakataon ang ipinapatupad na lockdown.

Sinabi nito na magtatapos ang lockdown sa kanilang bansa ng hanggang Hunyo 21.

Dagdag pa ni Sanchez na tuluyan ng bumababa ang mga kaso ng mga nadadapuan ng coronavirus sa kanilang bansa.

Noong Marso 14 ng magdeklara ang Spain ng state of emergency na kasama na ang total lockdown.

Pagdating naman sa Hulyo 1 ay malaya ng makakagala ang mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.