Binigyang-diin ng Malacañang na patuloy na igigiit ng Duterte administration ang soberenya ng Pilipinas sa mga isla at teritoryo sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng resulta ng survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) ngayong buwan na nagsasabing pito sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang dapat ilaban ng gobyerno ang maritime claims ng bansa.
Sinabi ni Sec. Roque, gaya ng mga nagdaang pagkakataon, patuloy na isusulong ng Pilipinas ang sovereign rights sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea alinsunod sa 2016 arbitral ruling.
Ayon kay Sec. Roque, kailanman ay hindi isinuko o binitawan ng gobyerno ang nasabing karapatan ng bansa.
Pero inihayag ni Sec. Roque na nakakalungkot dahil ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling ay walang paraan para ipatupad o ipairal maging ng mismong tribunal na nagdesisyon kaya naghahanap sila ng ibang paraan para maresolba ang agawan sa teritoryo.
“As we have said in previous occasions, the Philippine government continues to assert our rights over the disputed areas in the West Philippine Sea in accordance with the 2016 arbitral ruling,” ani Sec.
“We have not waived nor have we relinquished these rights. Unfortunately, the Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling has no way of being enforced by the body which rendered it, so we must look to other means to resolve the dispute.”