Binuksan umano ni Houston Rockets general manager Daryl Morey sa trading ang lahat ng players sa kanilang roster, maging ang kanilang magiging mga draft picks.

Ayon sa mga sources, bagama’t malabong i-trade ng Rockets si All-NBA guard James Harden, nasa trading block naman ang iba pa sa kanilang line-up, maging sina Chris Paul at Clint Capela.

Anila, medyo prohibitive umano ang mga posibilidad ng isang deal lalo na kay Paul, 34-anyos, na may tatlong taon pang nalalabi sa kanyang $124-milyong kontrata.

Hindi naging maganda ang 2018-19 season kay Paul makaraang ilista nito ang kanyang career-worst na 15.6 points per game, kahit na ibinubulsa nito ang ikatlo sa pinakamalaking base salary sa team.

Matatandaang nabigo ang Houston sa Western Conference finals at conference semifinals sa Golden State Warriors sa magkasunod na taon.

Mistula rin umanong natigil ang usapin ukol sa contract extension ni coacg Mike D’Antoni, na may isang taon pang natitira sa kanyang kontrata.