Suportado ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III at ng iba pang mambabatas ang initial committee report na binalangkas ni Sen. Richard Gordon ukol sa “ninja cops” issue.

Ayon kay Sotto, narinig naman ng publiko ang naging takbo ng Senate inquiry at malinaw na lumabag sa batas ang mga pulis na idinadawit sa drug recycling.

Para sa pinuno ng Senado, nabigyan ng tyansa ang mga inaakusahan, kasama na si PNP Chief Oscar Albayalde.

Sa ngayon, kulang na lamang ng lagda ng panel members ang committee report, dahil naka-break pa ang kanilang sesyon.