Palihim na nagbigay ang ilang senador ng kanilang sahod para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.
Pahayag ito ni Senate President Vicente Sotto III matapos na ianunsyo ni Speaker Alan Peter Cayetano na humigit kumulang 200 kongresista ang handang mag-donate ng kanilang sahod para sa buwan ng Mayo para makatulong sa krisis na kinakaharap ng bansa sa ngayon.
Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na bukod sa sahod, naglalabas din aniya ng sariling pera ang ilan sa mga senador subalit hindi lamang inaanunsyo ng mga ito ang kanilang tulong.
Nabatid na bukod sa mga mambabatas, ilang opisyal ang nagpahayag na rin na ibibigay nila ang kanilang sahod para sa COVID-19 respons, kabilang na ang ilang local government officials sa Metro Manila pati na rin ang mga Cabinet officials.