-- Advertisements --

Naluklok si Senador Vicente Sotto III bilang bagong Senate President Pro Tempore matapos muling magkaroon ng panibagong reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong Miyerkules, Hunyo 17.

Ninomina ni Senador Panfilo Lacson si Sen. Sotto sa naturang posisyon na sinegundahan naman ng nananatiling Senate Majority leader na si Senador Juan Miguel Zubiri.

Pinalitan ni Sotto sa posisyon si Senador Sherwin Gatchalian na pansamantalang nanungkulan sa naturang posisyon matapos ang reorganisasyon sa kapulungan noong Hunyo 3.

Matatandaang si Senador Loren Legarda ang tumatayong Senate President Pro Tempore bago ang nangyaring reorganisasyon.

Opisyal ding nanumpa si Sotto sa kaniyang bagong posisyon na pinangunahan ni newly-elected Senate President Sherwin Gatchalian.