PHIVolcs

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang probinsiya ng Sorsogon sa Bicol region.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito ng alas-10:37 ng Lunes ng gabi.

Tinatawag itong tectonic in origin na ang sentro ay may lalim na 37 kilometers sa northeast Prieto Diaz.

Naramdaman naman ang intensity 5 sa Sorsogon City; Intensity 4 sa Legazpi City; Virac, Catanduanes; Naga City; Catarman, Northern Samar; Intensity 3 sa Bulusan, Irosin, Sorsogon; Catbalogan City at Intensity 2 sa Palo, Alangalang, Babatngon, Calubian at Dagami sa Leyte.