locust
Locust/ wikipedia

Nagdeklara ng national emergency ang Somalia dahil pag-atake ng mga locust o mga insektong balang.

Ayon sa Ministry of Agriculture ng bansa na kinain ng nasabing insekto ang malaking pananim sa kanilang bansa.

Isang malaking banta ito sa kanilang food security.

Itinuturing naman ng United Nations na ito na ang pinakamalaking pag-atake ng locust sa Somalia at Ethiopia sa loob ng 25 taon.