PBA BEERMEN FILE PHOTO

Hindi na nagpapigil ang San Miguel Beermen para makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Phoenix 105-94.

Ito na ang pang-limang sunod na pagpasok ng Beermen sa finals ng makuha nila ang 4-1 sa best of seven semifinals series.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria na mahalaga ang kanilang panalo at hindi siya binigo ng kaniyang mga manlalaro.

Nanguna sa panalo si Chris Ross na nagtala ng 24 points habang mayroong 22 points si Alex Cabagnot.

Umabot pa sa 25 points ang lamang ng Beermen sa third quarter hanggang sinubukang makalapit ng Phoenix.