SMBeermen
Beermen/ PBA FB photo

Pinasalamatan ni San Miguel Beermen coach Leo Austria ang kaniyang manlalaro matapos talunin ang Magnolia Hotshots 72-71 at para makuha ang PBA Philippine Cup Champion.

Ang nasabing kampeonato ay pang-pitong kampeonato ng koponan sa walong finals appearance ng maupo bilang coach si Austria.

Ito na rin ang pang-limang magkakasunod na Philippine Cup championship ng SMB.

Sinabi ni Austria na dahil sa sipag at galing ng kaniyang mga manlalaro ay nagmumukha tuloy itong magaling na basketball coach.