BAGUIO CITY – Isasagawa ngayong araw ang Sangguniang Kabataan (SK) National Convention 2019 sa lungsod ng Baguio.

Pangungunahan ito ng National Youth Commission at makikibahagi rito ang mga presidente ng mga pederasyon ng SK sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

-- Advertisement --

Layunin ng convention na ituro sa mga partisipantes kung paano sila makakakuha ng pondo para sa SK.

Maaari ring matalakay sa convention ang posibleng pag-amyenda sa SK Reform Act of 2015 para sa mas maraming benipisyo ng mga opisyales ng Sangguniang Kabataan.

Magtatapos ang convention sa April 28.