-- Advertisements --

Nilinaw ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na hindi kailangan isailalim lockdown ang Batasang Pambansa.

Ito ay kahit pa tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa Kamara, ayon kay Mendoza.

Mismong si Speaker Lord Allan Velasco at mga miyembro ng Mababang Kapulungan na rin aniya ang nagsabi na hindi kailangan i-lockdown ang Batasang Pambansa kasi malapit na rin naman ang Holy Week break ng Kongreso.

Bukod dito, nais din aniya tapusin ng mga mambabatas ang mga pending measures sa Kamara bago pa man ang kanilang break.

Kung titingnan, controlled at managed naman ang sitwasyon sa Kamara dahil kahit 29 na ang kaso Kamara ay nasa dalawa hanggang tatlong porsiyento pa lamang ito ng populasyon.

-- Advertisement --

Dagdag pa nito, karamihan ay mild naman, at manageable ang sitwasyon.

Ang mga kaso ay congressional staff, karamihan ay housekeeping at mabilis ang recovery rate.

Pagtiyiyak ni Mendoza, hindi kailangan ng lockdown sa kasalukuyan dahil agad namang naka-isolate ang mga pasyante.