Nananatiling stable ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Hong Kong sa kabila ng mga kilos protestang nangyayari roon sa ngayon.

Pero pinapaalalahanan pa rin ni Consul Sheila Monedero-Arnesto, Philippine Consulate sa Hong Kong, ang nasa 210,000 Pilipino na mag-ingat dahil sa kaguluhan doon.

Kabilang sa mga dapat sundin aniya ng mga ito ay iwasan na ang pagputa sa mga potest areas, at huwag magsuot ng kulay itim at puti na damit.

Sa lahat namang nagbabalak na pumunta ng Hong Kong sa hinaharap, payo ni Arnesto na huwag nag magtungo sa mga lugar na malapit sa mga protest areas.