Reading Time: 1 minute
Screenshot 2019 07 06 13 41 48
IMAGE | Solar Philippines

Asahan daw na bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayonj buwan dahil manggagaling sa isang solar power farm ang kanilang idi-distribute ng enerhiya sa mga consumer.

Ayon sa private firm na Solar Philippines may kapasidad na 150-megawatts ang kanilang Tarlac Solar Farm na siyang kauna-unahang makakapag-salin ng kuryente sa Meralco.

Sinabi ni Solar Philippines president Leandro Leviste, na maituturing na pinaka-mababang rate ang P2.99 kada kilowatt hour ang patak ng kuryente sa ilalim ng kanilang kasunduan. Tataas lamang ito ng 2-porsyento kada taon.

“We are proud to be the lowest-cost producer of electricity in the Philippines, and happy that Meralco’s approximately 30 million consumers will now benefit from these low costs.”

“We thank Meralco for accelerating the adoption of renewable energy, and becoming the No. 1 consumer of solar in the Philippines.”

Kaya kung ihahambing daw ang kasalukuyang P6.0185-kada kilowatt hour na average generation rate ng Meralco, ay makakatipid ang isang household consumer ng P3.0187-kada kilowatt hour para sa 200-kilowatt hour na buwanang konsumo.

Bukod sa mababang singil sa kuryente, inaasahan din daw na makakatulong ang solar power na makaiwas sa rotating na aberya sa supply ng kuryente.