Reading Time: 1 minute

Bakas ang excitement ng Fil-German classical singer na si Gerphil Flores kaugnay sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ng longtime non-showbiz boyfriend na si Brad Libanan.

Sa save-the-date video ng Nice Print Photography, nakasaad na ikakasal ang dalawa sa darating na July 21.

“Ten years ago, we became boyfriend/girlfriend. A year ago, we got engaged. In a few weeks, we will finally be together as husband and wife,” saad ng 28-year-old bride to be.

Kung maaalala, si Gerphil na ang pangalan ay hango sa Germany at Philippines, ay nakilala sa kanyang runner-up finish sa regional “Got Talent” TV competition.

Humanga rin sa talento nito si David Foster kung saan kasama si Gerphil sa world class tour ng starmaker/composer.

Nabatid na isang German ang ama ni Flores habang Pinay naman ang kanyang ina.