Nais ni ONE lightweight world champion Christian Lee na makaharap si Filipino mixed martial arts fighter Eduard Folayang.

Ayon sa Singaporean fighter, na nirerespeto niya ang mga nakamit na tagumpay ni Folayang.

Aminado ito na isang kakaibang MMA fighter ang team Folayang member kung saan magaling ito sa wrestling at Jiu-Jitsu.

Huling lumaban ang 22-anyos na si Lee ay noong Oktubre ng magwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Saygid “Dagi” Arslanaliev.

Isa a mga target rin ni Lee na makaharap ay si UFC world lightweight champion Eddie Alvarez.