ILOILO CITY – Nilinaw ng Singaporean government na isang private visit lamang ang pagpunta sa kanila ni former Sri Lankan president Gotabaya Rajapaksa at hindi rin binigyan ng asylum.
Matandaan na noong Huwebes, dumating si Rajapaksa sa Singapore kasama ang kanyang asawa at dalawang bodyguards.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mercy Saavedra-Cacan direkta sa Singapore, hindi nagpakita si Rajapaksa sa mga opisyal sa Singapore, hindi humingi ng asylum at wala ring intensyon ang bansa na bigyan ito.
Aniya, isang araw bago ang pagdating ni Rajapaksa, nag-anunisyo na ang kapulisan sa Singapore sa lahat ng Sri Lankan migrants na hindi pinahihintulutan ang mga rally dahilan kung bakit walang protesta na sumalubong sa kanya.
Hindi isinapubliko kung saan particular sa Singapore pumunta ang dating presidente at kung hanggang kailan siya magtatagal doon.
Sa isang larawan, makikita na nag-shopping ang mag-asawa sang isang mall sa Singapore.
Kung matandaan, tinganggap na ang resignation ni Rajapaksa bilang presidente.
Si Rajapaksa ang tumakas sa Sri Lanka dahil sa laganap na protesta kasabay ng nangyayaring economic crisis sa bansa.









