received 1100193193501994

Nagpaliwanag si Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez sa pinalulutang ng ilang grupo na “meet-me-room” na sinasabing undeclared servers na humaharang sa data mula sa vote counting machines (VCM) papuntang Comelec servers.

Sinabi ni Jimenez na ang naturang server ay isang uri ng transmission router o gateway.

Ito umano ang nagma-manage sa data mula sa field o sa VCM papuntang transparency server.

Hindi rin umano ito hiwalay na server gaya ng sinasabi ng ilang grupo at ito ay bahagi ng local source code review.

Una rito, hiniling ng election lawyer na si George Garcia na ipaliwanag ng Comelec ang paggamit ng meet-me-room na posibleng maging dahilan para mabahiran ng duda ang transparency ng halalan.