-- Advertisements --
Pinasisilip na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang sanhi ng umano’y shootout sa Iwahig Penal Colony sa Puerto Princesa, Palawan sa pagitan ng isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at isang Bureau of Correction (BuCor) officer sa nabatid na piitan.
Ayon kay Guevarra, nagbigay na ito ng direktiba kay Department of Justice (DoJ) Usec. Deo Marco na nangangasiwa ngayon sa mga correctionals na agad magsagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.
Sa ngayon ay naka-lockdown na ang Iwahig Penal Colony matapos ang umano’y naganap na shootout.
Sinasabing unang nagpaputok ang team leader ng BJMP Monitoring Team kaya gumanti ang Correction Officer 1.