Nangako si dating unified middleweight world champion Gennady Golovkin na hindi nito sasapitin ang nangyari noong nakaraang weekend sa Madison Square Garden sa pagharap nito sa Canadian na si Steve Rolls.

Batid kasi ni Golovkin ang masaklap na sinapit ni Anthony Joshua noong nakaraang Linggo sa kamay ng underdog na si Andy Ruiz Jr., na tinangay din ang hawak nitong unified WBA (Super), IBF, WBO, at IBO heavyweight belts.

Ayon kay Golovkin, lahat daw dapat ng mga boksingero ay nakapulot ng aral sa Joshua-Ruiz bout.

“Oh, for Joshua it was a terrible day, and for Ruiz it was a great day,” wika ni Golovkin. “That’s how it was on that night.

“There were various links in the chain. It was Joshua’s first fight in the United States, his first in Madison Square Garden, his first with different doping tests to take. That was probably a big lesson and an important lesson for Joshua to learn.

“Also, Ruiz I trained together with. I am not surprised about this result.

“I could say a lot (about that fight). It depends on your attitude.”

Sa panig naman ni Rolls, handa na raw siyang patunayan na isa ito sa mga pinakamagagaling sa kanilang dibisyon.

“It’s been a long road and a long time coming,” wika ni Rolls. “I am more than ready to take on this huge task and the opponent presented in front of me. I look forward to solidifying myself as one of the best in the division.”