Mahigpit ang utos at paalala ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbabawal sa mga nakaugaliang seremonya tuwing misa.

-- Advertisement --

Ito ay ginawa para makaiwas ang sambayanang Pilipino na makahawa o kaya ay mahawaan ng COVID-19.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Father Manuel Flores Jr., ang pagbabawal sa paghalik at pagbeso tuwing “peace sign” ceremony ay mahigpit din na ipapatupad. Ang pagbibigay din ng ostiya o tinapay sa bunganga ay hindi muna gagawin sa halip ay ibibigay sa kamay ng mga nagko- communion.

“So far ho sa mga magsisimba, sana pagdating po sa “our father” iwasan po muna nating magholding hands at sa pagbibigay po ng sign of peace, especially po sa mga non-family members na di po nating masaydong kakilala, just to avoid possibilities of these COVID 19 concerns po and another one is that we can receive our communion by hand just a precautionary measure po”.

Dagdag pa nito, huwag daw sanang mamasamain ng mga parokyano ang mga hakbang at abiso ng CBCP dahil ang kapakanan ng taong bayan ang kanilang prino-protektahan.

“Hopefully po huwag niyo pong mamasamain po yun, It is for our own good and safety. Huwag din po nating hahayaan na papasok po tayonn naka-panic mode, let us be confident enough on our part especially mga germs po, so let’s always wash our hands and let’s ensure na we avoid these ones”.