Shuri Castle
Shuri Castle/ Shuri Castle

Umabot sa 10 oras bago tuluyang maapula ang sunog sa Shuri Castle sa Okinawa, Japan.

Ang Unesco World Heritage site ay itinayo 500 taon na ang nakakalipas.

Walang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Ang nasabing palasyo ay muntik ng masira noong World War 2.

Nagsilbi ang nasabing palasyo bilang campus ng Okinawa public university hanggang 1970 at mula noon ay isa na itong tourist attraction.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil sa hangin at inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.