EXO
EXO/ IG POST

Kinansela ng Korean boy band na EXO ang kanilang concert sa Pilipinas dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus.

Nakatakda sanang magsagawa ng concert ang nasabing grupo sa darating na Pebrero 22.

Dahil sa nasabing malawakang banta ng nasabing virus ay minabuti na lamang ng organizer ng concert na ipagpaliban ito.

Huling bumisita ang grupo noong nakaraang Agosto ng magsagawa sila ng two-night concert sa Mall of Asia.