Ipinadala na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist na kanyang pagpipiliian para italagang bagong associate justice ng Supreme Court (SC).

Pitong pangalan ang kasama sa listahan na sumailalim sa deliberasyon ng en banc ng JBC at maaring ipalit kay Justice Jose Reyes, Jr.

Nakatakda na kasing magretiro sa September 18 si Justice Reyes kasabay ng kanyang ika-70 kaarawan.

Kabilang sa pagpipiliian ng pangulo ay sina:

1. Ramon Alcala Cruz

2. Japan Baby Dimaampao

3. Jhosep Ylarde Lopez

4. Jose Midas Pascual Marquez

5. Eduardo, Jr., Basa Peralta

6. Ricardo De Rivera Rosario

7. Maria Filomena Dumandan Singh

Ang lahat ng mga nasabing aplikante ay dumaan sa mabusising pagsasala ng JBC at maaring pagpilian na ng pangulo sa babakantehing posisyon ni Reyes.

Pirmado ni SC Chief Justice Diosdado Peralta na siyang ex-officio chairperson ng JBC ang sulat na ipapadala kay Duterte.