-- Advertisements --
PNP CHIEF
PNP Chief Albayalde/ FB image

Hindi mag-aatubili ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang shoot-to-kill order sa sandaling manlaban ang mga ex-convicts sa mga otoridad.

Ayon kay PNP chief PGen. Oscar Albayalde na hindi naman nila basta-basta na lamang barilin ang mga ito.

Kaya panawagan ni Albayalde sa halos 2,000 preso na pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na sumuko ng mapayapa pumunta lamang sa ibat ibang police stations sa buong bansa.

Hinimok din ni Albayalde ang publiko na ireport sa mga otoridad kung may mga impormasyon sila para sa ikadarakip ng mga nasabing preso.

Ituturing na kasi na mga pugante sa batas ang mga ito kaya subject na sila sa warrantless arrest kapag hindi susuko sa 15-day grace period na itinakda ng Pangulong Duterte.

Pinakilos na rin ng CIDG ang kanilang tracker teams para hanapin ang nasa 1914 na mga preso.

Inatasan na rin ni Albayalde si NCRPO chief MGen. Guillermo Eleazar na makipag ugnayan sa Bureau of Corrections (BUCOR) para hilingin ang listahan ng mga pangalan ng mga convicts at maging ang kanilang mga address.

Aminado si Albayalde na malaking hamon sa PNP ang pag aresto sa halos 2,000 mga preso.

Tiniyak naman ni Albayalde na kakayanin nila ito sa tulong ng AFP.