Shawn Porter
Shawn Porter/ IG post

Target umano ni Shawn Porter na makalaban sa 2020 si Manny Pacquiao.

Ayon sa dating two-time welterweight champion mula sa Las Vegas, na bukod kay Danny Garcia ay mas magandang makaharap ang Filipino fighting senator.

Dagdag pa nito na dahil posibleng hindi matuloy sa unang quarter ng 2020 ang paghaharap ni Garcia kay Errol Spence ay mas maganda raw na silang dalawa na ang magharap.

Magugunitang noong Oktubre ay nasangkot sa aksidente si Spence.

Aniya, gaya ng ibang mga boksingero ay mas nanaisin nilang makaharap ang legendary Pinoy boxer.