Sumakabilang-buhay na ang Hong Kong actor na si Ng Man-tat nitong Sabado ng hapon sa edad na 70 dahil sa liver cancer.

-- Advertisement --

Ayon kay Tenky Tin Kai-man, chairman ng Federation of Hong Kong Filmmakers, pumanaw nang mapayapa ang aktor sa Tai Wai’s Union Hospital dakong alas-5:16 ng hapon, sa piling ng kanyang asawa at mga anak.

Noong Pebrero 20 nang dalhin sa ospital si Ng kahit na may lumabas na ulat na nagpagamot daw ito sa Macau.

Nakilala si Ng sa mga pelikula kasama ang aktor na si Stephen Chow, tulad ng “All For The Winner”, “King Of Comedy” at “Shaolin Soccer”.