Binawi ng mataas na korte sa Australia ang hinaharap na kaso patungkol sa di-umano’y sexual assault ni dating Vatican treasurer Cardinal George Pell.
Inilabas ang desisyong ito ni Chief Justice Susan Kiefel kung saan ipinag-utos ng pitong hukom ang pagbasura sa mga kaso ni Pell at agarang pagpapalaya rito.
Dahil dito ay hindi na maaaring sampahan ulit ang cardinal ng parehong kaso na nangangahulugan ding tuluyan nang natuldukan ang mga alegasyon laban sa pang-aabuso umano ng mga pari ng Simbahang Katoliko.
Kung matatandaan, una nang ibinasura ng Victoria’s Court of Appeal ang inihain na apela ni Cardinal George Pell sa kaniyang kinakaharap na sexual offences matapos nitong di-umano’y molestiyahin ang dalawang batang lalaki sa Melbourne noong 1990.
Noong Marso nang nakaraang taon ay sinentensyahan si Pell ng hanggang anim na taong pagkakakulong matapos mapag-alaman na guilty ito sa limang offences kasama na ang “sexual penetration of a child.”
Si Pell ang pinaka-senior Catholic figure na nakulong dahil sa mga nasabing krimen.