socot shootings
-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naalarma ang mga residente ng Polomolok, South Cotabato sa sunod-sunod na papamaril sa nasabing bayan.

Nitong umaga lamang ay isa na namang insidente ng pamamaril ang naitala na ikinamatay ng isang tricycle driver.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo General Santos, naka-park ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo alas-10:00 ng umaga sa Purok 4 Crossing Palkan Polomolok, South Cotabato.

Nang biglang dumating ang riding in tandem suspect at pinagbabaril ang biktima.

Kinilala ang namatay na si Richard Simbron, 45-anyos, na residente sa Purok 5 Koronadal Proper Polomolok, South Cotabato.

-- Advertisement --

Kung maalala noong nakaraang mga araw, isang dating kapitan ang pinagbabaril din sa nasabing bayan na nagngangalang Monir Kinjeyo.

Ayon sa talaan ng Polomolok PNP mula Abril hanggang sa kasalukuyan mayroon nang pitong naitalang patay sa nasabing lugar.

Patuloy ngayon ang pangangalap ng impormasyon ng pulisya kung sino ang mga salarin sa mga nasabing krimen.