Reading Time: 1 minute
Serena Williams
Serena Williams / IG post

Nakatakdang sumabak sa Italian Open si U.S. tennis star Serena Williams.

Sinabi ni tournament director Sergio Palmieri, nakausap na niya ang kampo ni Serena at nagpa-reserved na sila ng kuwarto para sa May 13-19 events.

Nauna rito hindi nakapaglaro si Williams mula pa noong Marso matapos na magtamo ito ng injury sa tuhod sa Miami Open.

Magugunitang sa nasabing torneo ay hindi na nito tinapos ang laban sa loob ng ikatlong round.