Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Nagpaalala muli ang Malacañang sa deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte na 15 araw para sa mga napalayang convicted criminals sa iallim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law na sumuko na sa mga otoridad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, tuloy ang utos ni Pangulong Duterte sa mga otoridad na tratuhing pugante na ang mga hindi susuko hanggang sa deadline na Setyembre 19.

Ayon kay Sec. Panelo, sa ngayon ideya pa lang at hindi pa tuloy ang nabanggit noon ni Pangulong Duterte na mag-aalok ang gobyerno ng pabuya na P1 million sa kada muhuhuling preso na hindi sumuko sa deadline ng pangulo.

“He hasn’t made any official statement on that except giving us that as an idea. Wala pa final? Wala pa,” ani Sec. Panelo.