LAOAG CITY – Natagpuan ang bangkay ng isang senior citizen sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. 3 Loing, Piddig, Ilocos Norte.

Kinilala ni Capt. King Ramos, hepe ng PNP Piddig ang biktima na si Wilson Lim y Magno, 65, walang asawa at residente ng nasabing barangay.

Base na imbestigasyon, sinabi ni Ramos na naalarma ang mga kamag-anak ng biktima dahil hindi lumalabas sa kanyang bahay nang bigyan nila ng pagkain.

Dahil dito, pwersahang binuksan nila ang bahay at nakita nila ang biktima na nakahiga sa kanyang kama at hindi gumagalaw.

Dinala ito sa Piddig District Hospital at idineklara ni Dr. Estrella Rivera na namatay dahil sa cardio pulmunary arrest.

Walang nakitang foul play sa pagkamatay ni Lim.

Nabatid ng Bombo Radyo na palaging umiinom ng alak ang biktima.